–Paano?–
Paano mabuhay ng normal ulet? Dalawang araw na ang nakakaraan…masakit magmahal…lalo na kung alam mong binigay mo ng lahat…pinaglaban mo…pinag-ukulan ng panahon…pinilit baguhin ang pananaw sa larangan ng pagmamahal…handa kong isakripisyo ang mga bagay bagay para lang mapatunayan ko kung gaano ko sya kamahal…PERO hindi sapat ang lahat ng yon…
Maghapon akong nakahiga sa kama ko, walang ginagawa…pinipilit matulog pero hindi naman makatulog…kinakausap ang sarili…kung bakit kailangan mangyari sa kin ang ganitong bagay…wala naman akong kasalalan…kasalanan ko bang mahalin kita? wala naman akong ginawang mali…para maramdaman ko toh…ang hinihingi ko lang naman simpleng eksplanasyon…mahirap ba un? 12 oras na kong nakahimlay kay bugoy…wala na kong magawa…nakapag basa na din ng libro, pero parang wala akong naintindihan sa mga ito….mabilis na lumipas ang oras…tinitignan ang ym list ko kung magoonline ka at baka sakaling kausapin mo ako…at ipaliwanag ang buong sitwasyon….
Sa kabila ng lahat…umaasa pa din ako….kahit sobrang sakit ng mga nangyari….kahit binale wala ung nararamdaman ko…ok lang…basta alam kong masaya ka sige lang…pero sa mga oras na toh…ang tanging hiling ko lang…pagiging patas…maging patas ka naman sana…kahit hindi na bilang karelasyon ano ba ung kahit simpleng kaibigan na lang…konting konsiderasyon sa nararamdaman ko….
Hindi ko hinihiling na mahalin mo ko ng buong buo…o ipangako mo ko sa kin ang bukas….ang hinihingi ko lang ay isang simpleng eksplanasyon na magsasabi sa kin at makakapagpatahimik sa kin….na alam ko nga talaga ang mga dahilan mo kung bakit mo nagawa sa kin yon.
Maintindihin akong tao…pero sana…man lang…kahit konti…hayaan mong intindihin ko din naman ang saking sarili kahit sandali lang….kahit sa mga oras na toh lang….