—Moving forward—
Tuesday, April 17th, 2007Grabe hindi ko na malaman kung bakit ganito kabilis mga pangyayari… as in sobrang bilis.. bigla bigla na lang…waaahhhh….di ko alam kung anong mararamdaman ko… kung matutuwa ba ko or what… one thing is for sure… I definitely miss everything… sa mga huling araw ko sa pinas…. bago ko umalis… pinipilit kong iaayos ang mga dapat king iaayos…. mga kaibigan na matagal ng hindi nakikita… lugar na mamimiss ko… at marami pang iba….
Marahil aalis ka sa isang lugar pero hindi ibig sabihin nun….kinakalimutan mo na ang mga bagay na nangyari sa yo sa mga panahon na nandun ka…. Marami pang mangyayari sa kin… OO dahan dahan kong naaabot ang aking mga pangarap…. pero ang tanong…. handa na ba ko???…. alam ko kaya ko… at kakayanin….
Masaya ko dahil may nangyayari sa buhay ko…. maraming salamat sa inyong lahat… sa mga taong walang sawang sumusuporta sa kin…. sa mga taong nagpakita kung anong ibig sabihin ng "buhay"…. ng "trabaho"…ng "kapwa tao"…ng pagiging ganap na "edukado"… ng pagiging "responsable" sa mga oras na natutunan ko ang mga bagay bagay…. maraming salamat sa mga luha, saya, tagumpay at pagbagsak sa mga hamon na aking nalampasan at malalampasan pa…
IIsa lang aking masasabi…. sa panibagong kabanata ng aking buhay…. mayrong mga bagay na nagpapatibay at patuloy na tumutulong sa kin kahit saan man ako pumunta kahit anong oras kahit anong araw…. Maraming Salamat po Lord…for making my life a living testimony…..
sa inyo pa rin ang balik ng tagumpay….

