Archive for December, 2006

—Parang Kayo, Pero Hindi Stage—

Saturday, December 30th, 2006

Hahahaha ang cute nito wala lang i just love reading this one…kaka aliw totoo kasi eh.. hahahahhaha… well sa mga ganitong stage jan wake up.. hahahhahaha baka isa na kayo sa mga ganito.. hahahahahha… ayos.. toink toink toink…

The "parang kayo, pero hindi" stage. Others call it MU or mutual understanding. Pseudo-relationships. Pseudo- boyfriends.

Flings. Almost like a relationship, but not quite. It is a phase
where the persons involved are more than friends, but not

quite lovers.

Puwedeng may verbal agreement, puwedeng wala.
One or both of you may have admitted your feelings, possible ding
hindi. You just let your gestures do the talking for you. Walang pormal
na ligawan na nangyari. Hindi kayo mag-dyowa.

Pero sa kilos niyo, sa mga sinasabi niyo, parang kayo, pero hindi.

This kind of "relationship" can happen at different stages for
different reasons. It can happen after a break-up. You still

love each other, and you want to be with each other but you broke
up for a reason. A nd for reasons that you alone know, ayaw niyo na
muna magkabalikan.

It can also happen before a
relationship, iyong pareho kayong nakikiramdam. Possible din na ayaw
niyo munang mag-seryoso kaya kunwa-kunwarian lang muna.

Testing lang.

Puwede ring hindi puwedeng maging kayo
kasi isa sa inyo –usually the guy –may ka-relasyon na. Kaya habang
hindi pa siya nakikipag-break doon sa girl (sabi niya makikipag-break
siya soon pero di naman niya ginagawa), wala muna kayong relasyon para
nga naman hindi siya nangagaliwa kasi "hindi naman kayo."

This pseudo-relationship stage, for a time, can be fun. Lalo na kung naghahanap ka lang naman ng "kalaro."

Pero huwag ka lang mag-e-expect na may patutunguhan kayo kasi wala talagang kasiguraduhan.

So bakit ang daming nagse-settle sa ganitong set up ganoong hindi naman sigurado kung may patutunguhan?

Iba’t ibang dahilan. Puwedeng for fun lang.

Puwedeng "buti na iyan kesa w ala" or puwede na iyang "pantawid-gutom."

Meaning, habang wala pa iyong the real thing, doon muna sa
kunwa-kunwarian.

For those who are not in a serious relationship, they would think that pseudo-relationship is better than no relationship
at all. It would be fun, if all you are after for is that "kilig" feeling.

Aminado naman ako na once upon a time, may mga
pseudo-relationships din ako. No commitments involved. For the simplest
reason that they couldn’t commit, because they were either committed to
someone else, or that they weren’t ready to commit.

My rationalization, "okay na iyun, kesa wala."

Ang
habol ko lang naman, iyong kilig feeling. Iyong merong nagtatanong kung
kumusta araw ko. Iyong merong ka-cuddle sa beach outing. Iyong kapag
tumunog ang cellphone, mapapangiti na ako dahil alam kong galing sa
kanya ang message. Iyong merong laging kasama. Habang wala pa ang the
real thing, puwede na itong pagtiyagaan.

But then I learned that although it was only a
pseudo-relationship, the emotions were real. And usually, in this kind
of set up, ang babae lagi ang lugi.

Una, you can’t ask him to
commit. Since it’s not really a relationship, you can’t demand
commitment from your partner. Ano ba kayo? May K ka nga ba magpasundo
ng hatinggabi? You will always be uncertain about your role in his
life. You can’t expect him to be always there with you. And if you feel
jealous of the other girls, you just have to keep it to yourself.

Ano ka ba niya para magselos?

Pangalawa, what if you fall deeply in love with him?
You can’t be sure if he feels the same way. Baka nag-a-assume ka lang na mahal ka rin niya.

Even if you are dying to tell him you love him, you can’t.

Because you’re not sure if he’ll like it. Baka mapahiya ka lang.

This stage will always make you wonder where you are in the relationship.

Or if there is a relationship at all. 

Pangatlo, what if you become attached too much?

What if you have invested all your emotions and this man hasn’t?

What if you remain faithful to him, not entertaining other guys, only to find out that he is seeing other girls?

Isa
pang downside ng pseudo-relationships, it is fleeting. When a
disagreement sets in, or when one of you gets cold, then that would be
the end of it. Unlike in a serious relationship, hindi mo alam kung
saan ka lulugar sa isang pseudo-relationship. Wala kang
pinanghahawakan.

Kasi sa pseudo-relationship, there is no "us." Meron lang "you and me," hindi "us."

Buti
sana kung pseudo-pain din lang ang mararanasan mo. Kaso, hindi eh. Real
pain. And usually, kahit tapos na ang pseudo- relationship, hindi mo
maiwasan umasang one day, may karugtong pa rin iyun. And you will be
miserable, hoping to bring back what you used to have, only to find out
eventually that the guy is in another pseudo-relationship with somebody
else.

Ang hirap, ano? You agreed to this kind of set up for fun and then you’d end up hurting yourself in the process.

Pero puwede naman maiwasan ang pain eh.
Puwede naman na hindi mo muna isipin ang future and just enjoy the feeling, without thinking of the consequences.

But if you are certain that you are going to hurt yourself in the process, kailangan mo mamili. You can be happy and live
the
moment without worrying what would happen next. Or you can stop
settling with pseudo-relationships and wait for the real thing.

When I was younger and in a pseudo-relationship with an
unavailable guy, a friend told me, "Sige, kung ayaw mong magpapigil,
bahala ka.

Magpakasaya ka.

Pero huwag kang iiyak-iyak pagkatapos, dahil tatadyakan kita."

Ang bottom line lang naman, kung magpapasaya sa iyo, gawin mo.

Ihanda
mo lang ang sarili mo sa consequence. Dahil ang "parang kayo pero
hindi" stage ay bihirang nagiging totoo. Usually, hanggang doon lang
siya …

almost, but not quite.

……………………………….

Thursday, December 21st, 2006

"Pain, you
just have to ride it out, hope it goes away on its own, hope the wound that
caused it heals. There are no solutions, no easy answers, you just breathe deep
and wait for it to subside. Most of the time pain can be managed but sometimes
the pain gets you where you least expect it. Hits way below the belt and
doesn’t let up. Pain, you just have to fight through, because the truth is you
can’t outrun it and life always makes more."

From Grey’s Anatomy… My life is a mess right now… im wondering… what’s wrong with me every Christmas Eve… i think im cursed… yeah right.. im always in pain… when it is the time for love and sharing… thanks for being such a great guy… for causing all this pain.. and so much more… its been 3 years.. and yet here i am again… always in pain.. because of you.. yeah right.. thanks for the wonderful gift…

—Bakit Single ang status mo?—

Thursday, December 7th, 2006

hahahhaha I had this friend of mine hahaha ang kulet ng email niya grabe cafi phayst ko dito sa blog ko.. wala lang.. ang ganda eh.. truli tru.. harharharhar

For the "singles" , let’s see s’ang kategorya kayo sa mga naisulat
dito…hehe… Sa mga married, pampangiti sa inyo, kasi maaring at one
point in time, isa rin kayo sa mga ito… Hala at ipamahagi sa iba pang
nais nyong mapangiti…Ü

BAKIT "SINGLE" ANG STATUS MO

Kaya heto akoa t sasabihin ko sa inyo ang ilang mga rason kung bakit…

11. Destiny Adik
Eto
yung mga naghihintay kay "Destiny" na gumawa ng paraan para pagtagpuin
sila ng kanilang mga "partner in life"..  ayannn… kakapanood nyo ng
"Serendipity" eh feeling nyo ang nangyari sa movie eh mangyayari rin sa
inyo… such a cliche.. hindi ba nyo alam na kung walang effort destiny
is useless.

10. Perfectionist/ Mapili
Yes, isang taong
perpeksiyonista. Yung tipong "dapat ganito ang magiging kapartner ko".
Pag may nakilala, nakita lang na pangit ang kuko o may dumi lang,
turn-off na agad. O kaya ang daming ayaw. Ayaw sa mabait, boring daw,
gusto bad boy/ pilya pero kapag pinaiyak ka tatanungin ka "bakit ang
sama mo", "bakit mo nagawa yun!"…  Adik ka ba?!…  Ayaw sa cute,
ayaw din naman sa panget. Meron dyan gusto ka ayaw mo naman.. yung
gusto mo halos magtambling ka pero deadma pa rin yang stunts mO sa
kanya! Pasaway ka rin e!  Ano ba talaga kuya?

9. Busy Busyhan
Opo, eto yung ang mundo e gumagalaw lang
sa libro at ballpen kung estudyante ka o kaya naman sa computer at
files kung office staff ka. Yung tipong aalis ng bahay ng alas 6 o alas
7 ng umaga at uuwi ng bahay ng 6 hanggang alas 8 ng gabi [baligtad
naman para sa mga nag tratrabaho sa call center]. Sabay tulog na. Kapag
sabado masaya na sila sa tv, sa pagkain na niluluto ni mama at sa
linggo naman sisimba at maghahanda na ng kelangan para sa lunes
hanggang byernes. Pssssst.. pause for a while naman!

8. Friendship Theory
Ano naman ito?… Eto yung ang buhay
ay kay bestfriend o kaya kay special friend, na hindi masabi-sabi sa
friendship nya sa loob ng kanilang mahabang panahon na pagsasama, dahil
baka daw maapektuhan ang pakikipagkaibigan at iwasan sya. Yung tipong
pag may kasama si friendship na iba, nagseselos na wala naman sa lugar,
pero syempre wag pahalata, kunyari happy sya for friendship. ABA! Oi!
Lakasan mo ang loob mo at baka mamaya forever mong pagsisihan yan, kaw
rin!… Minsan pa naman pareho pala kayong naghihintayan. . hmmp!

7. Born-to-be-one (Autistic)
Eto yung nasa palad na ang
pagiging single daw. Walang reasons. Basta lang nabuhay sya sa mundo na
mag-isa at feeling nya mamamatay sya sa mundong mag-isa.  Kesyo
magmamadre o magpapari na lang…  Asa kang tatanggapin ka pa noh!

6. Happy-go-lucky
Eto yung taong walang alam kundi
kasiyahan at trippings. Kahit sino na lang basta no string attached.
For fun lang daw… Walang halong seryosohan. ABA hoy! Yang init ng
katawan mo e ikiskis mo na lang sa pader. Makakahanap ka rin ng katapat
mo!!!

5. Wrong Place
May nakaranas na ba nito?  Yung pakiramdam
mo nasa ibang mundo ka. Yung ang nakakaharap mo e  yung mga hindi mo
gusto, yung mga hindi mo hinahanap.
Alam mo yun? Halimbawa nasa
ibang bansa ka, pero ang hinahanap mo e  yung amoy ng nasa sariling
bayan mo. O kaya naman e nasa sarili mong bayan ka, nasa normal na
lipunan, pero ikaw ang abnormal at hindi mo kayang sabihin na abnormal
din ang hanap mo kung ayaw mong ibitin ka nila ng patiwarik.

4. Wrong Time
Eto yung mga tao na sinasabi na "hindi pa
ako ready e, bata pa kasi ako" o kaya naman "hindi pa ako handa sa
panahong ito",  "wala pa ako kayang ipagmalaki".  Yes meron pong
ganyan. Yung feeling nila may tamang panahon para sa love. Awwwwwww!…
Aba kelan yun?!… Pag uugod-ugod ka na at yung time mo e bitin na? O
baka naman pag pang-out of time ka na? Oist, sugod lang ng sugod!

3. Si Parents kasi…
Yes,  factor din ang komyunidad na
ginagalawan mo. Una, ayaw pa ni mader o pader na magkaron ka kahit 22
anyos ka na at kelangan umabot ka muna raw ng 40 bago magkaroon ng
gf/bf. O kaya naman ikaw mismo! Takot sa sasabihin ni parents at ni
kapitbahay na tsismosa sa magiging kasama mo.  Aba ikaw na nga ba ang
sabihan na "Alam mo hindi kayo bagay. Langit at lupa kayo."
Awwwww!… Payo ko sayo, "Pakialam nila diba?… Palibhasa inggit!"

2. Traumatic Experience
Eto
kalimitan ang reason ng marami.  "Ayaw kona!!! Takot na ako mangyari pa
ang nangyari dati!"… O diba, ang drama ng layp?… Yes,  tama ka. Eto
yung dahil sa past relationship mo, e  until now aayaw mo nang
magkaroon at sinumpa mo na ata ang magmahal. Dahil sa pinagpalit ka sa
mas pangit, o kaya naman iniwan ka ng walang word na bye-bye, o dahil
binugbog ka!, anopa ba?… Madami yan wag na nating isa-isahin at baka
tumulo si tears, heheh… Gayunpaman, eto lang masasabi ko mga hija at
hijo… Ibat-iba ang lasa ng pag-ibig. May mapait, may mapakla, may
matamis at may maasim. Aba, mapalad ka at natikman mo ang ibat-ibang
lasa nito! Kaya ikaw, "Do not be afraid to fall in love again… malay
mo, sweetiness na ang malasahan mo next time.! E di panalo ka sa
lotto!  Yan ang nagpapalakas sayo… Yan ang bumubuhay sayo… ang
pag-ibig. Tsk! Drama!

1. EX to the Nth power
Oi, aminin!!! LOVE pa rin si Ex
kahit 1 or 2 yrs na ang nakakalipas. May ganito naman. Yung tipong
ilang taon na ang nakakalipas, hindi pa rin makalimutan si ex. Yung
pinagsamahan, yung tawanan, yung iyakan, at lahat ng nangyari sa inyo
nung kayo pa. Malungkot man at sa kung anumang kadahilanan, maganda man
o masama ito, kelangan nyo ng magpaalam sa isa’t-isa… YES, after a
year sasabihin natin, "I’m over him/her na.", pero pag-usapan natin ang
love at ang nangyari sa ating relastionship from the past,
TADANNNNNNNNNNNNN, eto na, sya agad ang naalala mo. At habang
nagkukwento ka, OUCH! may kirot, o kaya may ngiti at may bumabagabag sa
iyong kalooban. Ano kaya yun?!…  AMININ mo na kasi, MAHAL mo pa
siEX…
Isa lang ang masasabi ko, well, mahirap sya kalimutan alam ko
yan, pero open your heart and makipagdate ka, lumabas ka, at try to
entertain someone. Wag mo ikumpara si ex sa iba. At give urself a
KITKAT, take a break.

Oh, san ka pa?Ü… Grab one now! LOLZ!

—Sino nga ba kayo??—

Wednesday, December 6th, 2006

Where Does
the Good Go (Tegan and Sara)


Where do you go with your broken heart in tow?
What do you do with the left over you?
And how do you know, when to let go?
Where does the good go? Where does the good go?

Look me in the eye and tell me you don’t find me attractive
Look me in the heart and tell me you won’t go
Look me in the eye and promise no love’s like our love
Look me in the heart and un break broken, it won’t happen

It’s love that leaves that breaks the seal of always thinking you would be
Real happy and healthy, strong and calm
Where does the good go? Where does the good go?

Where do you go when you’re in love and the world knows?
How do you live so happily while I am sad and broken down?
What do you say it’s up for grabs now that you’re on your way down?
Where does the good go? Where does the good go?

 

 

I love this song so much… can relate lalo na sa Grey’s Anatomy dun sa mga episode na sobrang down silang lahat… grabe hahahaha.. as in… touch ako ha.. tsenes… by the way.. kagabi nagkita kami ng bestsy fepsi ko pinuntahan niya ko dito sa office and sa bahay ko siya nag stay.. grabe sobrang miss namin isa’t isa we had a great night.. uminom kami, and then tumawa ng tumawa balikan nanaman ang lahat ng kalokohan mula ng high school… grabe.. even though matagal na kaming di nagkikita pareho pa rin kami ng ugali… pareho pa rin kaming luka-loka sira ulo…. baliw…. hahahhaha we even share the same experience….darn.. i love her for who she is.. no matter.. what… para sa kin… meron at meron pa ring isang tao na pwede mong sabihin lahat ng bagay.. kahit ano pa yan.. kahit gaano kasama or kabuti or kapalpakan… meron at meron pa ring tao na pwede mong sabihan ng lahat.. kahit minsan mo lang sya makasama kahit gaano katagal na kayong di nagkita…. siya pa rin ung taong nakilala mo… (sniff sniff sniff) meron at meron pa rin kayong tiwala sa isa’t isa.. and this time talagang.. tunay na kaibigan lang ang ganon… were so lucky… iba talaga ang samahang pepot at ley… kahit ano pa yan… at syempre hindi lang ung samahan namin ung solid.. as in buong barkada… Dariel, Che, Lea, Ley, Ann, Fe, Mady, Teta grabe miss ko na kayong lahat… wala pa ring papantay sa barkadahang ito… for me solid na toh, habang buhay…. itaas niyo mga mare! hahahahhaha… basta abay kayong lahat sa kasal ko.. kung makakasal pa ko… harharharharhar…

========================================================

maraming tao ang nakikilala.. sa bawat aspeto ng buhay.. pero may mga tao na sadyang kahit ano mangyari.. kahit magunaw man ang mundo… nanjan na yan,… kahit kalimutan mo… nanjan pa rin yan… kahit ilang beses kang magkasala sa kanila… nanjan pa rin yan… kahit ilang beses kang tumawa…. nanjan pa rin yan… kahit ilang beses kang bumagsak ng dahil sa katangahan mo… nanjan pa rin yan… malaglag ka man sa sinasakyan mo, nanjan pa rin yan… ang tanong BAKIT NANJAN PALAGI? kasi un ung mga taong minsan nakilala mo… nagbigay halaga sa kung anong klaseng pagkatao meron ka… tumanggap sa yo ng walang alinlangan at pinaligaya ka sa mga oras na ika’y nasa gitna ng kalungkutan… un ang mga taong nagbigay sa yo ng inspirasyon para mabuhay… para matutong lumaban sa aspeto ng buhay….. at yang mga tao na yan na palagi na lang nakakalat sa kung saan saan eh mga taong ordinaryo at simpleng mamayan lamang…YAN ANG TUNAY MONG KAIBIGAN.

========================================================

maraming salamat sa inyong lahat… mahal na mahal ko kayo… para sa mga taong tulad ko High School life pa rin ang number 1. =) love you all guys.