Archive for August, 2006

—Worthless—

Tuesday, August 22nd, 2006

If
I will be given another chance to explore the world with my own identity I’d
rather stay this way… I still choose to be me… although my life has many
colors….you can choose which color you wanted… if you like dark colors I
have it… if you like pastel colors I also have it… or if you want bloody
colors the hell I’ll give it to you… i don’t want that color it makes me feel
evil and wicked at all times.. it seems that my life was a prolonged painting
without any object in it… Yes the painter might appreciate its beauty but to
others… it will always be a painting…. without any significance at all… It’s
a thing that has no value… no price… invisible to everyone..it has no beauty no
image…but a mere abstract of creator’s hallucination….

===================================================================================================

Yes
I live my life according to what it takes…according to what I think is right…
to the extent that there are times that I’m so unfair… I’m hurting someone else’s
feeling… I’m ruining somebody else’s life… it’s like a contagious disease that
needs to be quarantine. I’m helpless, I’m worthless… what else can I ask for.. I
had all the bad experiences…named it and I’m sure I have it …listed in every
chapter of my life…beyond the title and index… there’s a glittery text that
emphasizes the highlights of my existence…  the horrible, the adventure…the fantastic… the
romance… the drama…the horror… all of it..

===================================================================================================

If
your reading this just for the sake of gathering information in my life..well
your on the right track but unfortunately this blog has nothing much to offer…
all of its entries has no value… no direction…nor lesson’s to live with… cause
even the author don’t have any idea how to end this book… She’s living her life
in every chapter in which she knows might give her the best that she can live
with… but unfortunately strange things happened … while writing this blog..the
author realized how foolish she is… when she allows herself to drown  in her future hallucination .. now she’s
living in despair…regrets of everything she did…and most of all this “pain” is
killing her… not only her physical body but also her soul…

=====================================================================================

I wish
I can stop it… I wish I can do something… I wish I still have my life to live
with… Please don’t take all of it… leave me a piece where I can still breathe…
leave me a place to deal with….

 

–Begging
Soul-

 

 

 

 

—That’s the way it is—

Friday, August 11th, 2006

Life is a life… you must live with it… you must know how to manuever and control your life….

"Anak ng tokwa bakit ba ganito na lang palagi ang eksena??" puro buhay buhay…. tsismisan sa kalye ng mga tsismosang kapit bahay…salapi, pera, kayamanan, ano pa gusto mong itawag kailangan meron ka nito palagi sa bulsa o sa wallet o sa bag o sa kahit saang sulok pa ng katawan mo ang importante meron ka nito…. ganyan ang buhay… pag wala ka nito, ano ka na lang isa ka ng pinaka dukha…pinaka api….pinaka problemado at pinaka sawi…. kakaawaan mo ang iyong sarili at sisihin ang iyong mga magulang sa kanilang kakulangan kung bakit walang nangyari sa buhay mo…. sa madaling salita mag-uugat lahat ang realisasyon ng buhay sa isang simpleng kategorya….

Una may pera ka ba o wala?? pag ang sagot mo ay meron…

dito ka…

Ano pa ba ang kulang sa buhay ko–> may pera na ko.. nakatapos ako ng pag-aaral at sa ngayon masasabing may magandang trabaho…na kayang suportahan ang aking sarili sa isang buhay dalaga o binata o bakla o tomboy…. (kahit anong kategorya basta tao ka oo ikaw nga..) uhm… kung ang edad mo ay nasa 20-25 at ikaw ay tapos ng pag-aaral at may magandang trabaho sa madaling salita independent ka na tsong, ang tatanungin mo sa sarili mo… MASAYA na ba ko sa buhay ko??? maaring ang sagot mo ay OO o HINDI… ang iba ay oo dahil kuntento na sila sa buhay nila…ang iba nama’y tulad ko…HINDI… marami pang plano ang gustong gawin sa kanilang mga buhay buhay…. tulad ng…. Makaipon ng maraming salapi… makatulong sa pamilya…magkaron ng sariling bahay…. magkaron ng kotse…magkaron ng isang magandang pamilya pag edad ng 26-30… at kung anu-ano pang plano sa buhay na karaniwang nauuwi sa isang drawing na madaling burahin…. lalo na kung puro materyal na bagay lamang ang sariling hangarin at walang koneksyon sa taas…. (LORD)…

Maaring walang permanente sa mundo… lahat ng bagay ay nagbabago…. maging ang sa pag-ibig ay ganon din… lahat ng bagay ay walang kasiguraduhan… maaring nasisiyahan ka sa pagbabasa mo sa mga sinusulat ko… pero natanong mo na ba sa sarili mo?? TEKA Ano ba talaga ang gusto kong mangyari sa buhay ko???  handa na ba ko sa lahat ng aspeto ng buhay???

————————————————————————————————————————

kung ikaw ay estudyante pa lang… natanong mo na ba sa sarili mo kung makakatapos ka ng pag-aaral ng walang "sabit"? meaning hindi nakabuntis….walang bagsak… hindi kick out….walang incomplete?? kung hindi pa…. maari mong tanungin ang iyong sarili kung sigurado ka na may patutunguhan nga ang buhay mo….isipin mo na lang na hindi naman ikaw ang nahihirapan sa pagbabayad ng tuition fee mo at hindi rin naman ikaw ang nagiintindi sa araw araw na gastos mo mula paggising mo…. (almusal, maliligo gagamit ng sabon at shampoo, isusuot ang uniform, hihingi ng baon at tapos ano..lahat ng bagay na ginagamit mo sa loob ng bahay ay pawang sa mga magulang mo nanggaling pawang mga nagpapagal para lamang magkaron ka ng magandang buhay…)naisip mo ba un??? kung hindi pa aba! magisip ka naman! makunsensya ka naman tsong!

———————————————————————————————————————–
Kung ikaw naman ay propesyonal na.. natanong mo na ba ang sarili mo kung ano talaga ang gusto mong mangyari sa buhay mo??? OO nga may trabaho ka na, tapos ka na, nasiyahan na ang magulang mo sa pinakita mong diploma… tumaas na ng konti ang iyong ere… ang akala mo naman puro ikaw lang ang nagsakripisyo para sa kung anong meron ka ngayon…aba! aba! nagkakamali ka jan… Sa twing sasahod ka mapapangiti ka na lang… ayos sweldo na… shet pare san ang gimik natin mamaya?? tara girl shopping tayo…. tsk tsk… ni hindi man lang naisip ung mga magulang niya na sa kabila ng tinatamasang maayos na buhay ay utang na loob mo pa rin namang bigyan sila ng konting kasiyahan… hindi sila nageexpect ng kung ano sa yo…ang sa kanila lang ay sapat na ang maalala mo sila sa oras naman na masaya ka…. Sige na nagbigay na ang magulang naiintindihan ka naman nila dahil sabik ka rin naman sa sariling laya…. ayon byernes ng gabi gimik gimik… si babae nalasing kasama sila officemate…. marami naman sila… sa sobrang kalasingan… ayon hindi na lam kung pano nakauwi…at sa hindi sinasadyang pagkakataon…ayon…nagbunga nabuntis si babae… hay… buhay… iiyak ka ngayon… saan ka nanaman tatakbo… kanino??? sa pobreng magulang mo…. na hindi mo naman naisip habang nagpapakasaya ka,,,, tsk tsk tsk kawawang magulang… matapos pag-aralin ang anak bigyan ng alam niyang makakasaya dito ay bandang huli…. sakit pa rin ang inabot… hay tsong tsang… magisip ka naman….   Tapos ito pa… si lalaki naman… ayon galit sa erpat niya dahil nung college daw siya sobrang higpit… halos ayaw daw siya bigyan ng pera… kaya ngayong maayos na ko… tignan lang natin kung makahingi ka pa sa kin…. ayon tumanda na si tatay…. si anak ganon pa rin… sunod sunod ang layaw sa buhay… babae dito babae dun… ni hindi naiisip na ung mga babaeng iniiwan niya na parang nagpapalit ng damit eh may mga puso rin naman… nasasaktan ika nga…. kung ikaw ung babaeng un malas mo, dahil napasama ka sa mga biktima ng matitinik na mga kalalakihan pero alam ko namang kayang kaya mo un dahil kasama talaga sa buhay yan… hindi pwedeng perpekto… ayon ganon naman…

May mga propesyonal naman na wala ng ginawa kung hindi magtrabaho ng magtrabaho…hanggang sa paggising nila isang araw marerealise na lang nila…teka ilang taon na ba ko?? 32-33-34-35—40?? oh what a hell?? ano ba nangyari sa buhay ko ng mga nagdaang taon…teka wala pa pala kong pamilya…. shocks… makakapag-asawa pa ba ko? teka napagtapos ko na pala ang tatlo kong kapatid… mag-aasawa na pala ung sumunod sa kin?? teka bakit ganon…parang may mali ata… ayon ngayon lang niya naisip na hay…. sistah… huli na ko sa byahe… ano bang nangyari sa kin…. hahahhaha ayon kawawa naman si dakilang kapatid… nakalimutan ang sariling buhay alang-alang sa mahal na pamilya… teka ano bang point dun??? kung ano man ang point ko dun bahala ka ng magisip noh…

———————————————————————————————————————

Ayon so tapos na tayo sa propesyonal…susunod naman kung ikaw naman ay pamilyadong tao na…natanong mo na ba sa sarili mo kung ANo ba talaga gusto mong mangyari sa buhay mo at sa pamilya mo??? kung hindi pa pwede mong isipin ang maraming posibilidad na maaring mangyari sa buhay mo… una… maging tapat kaya ako sa asawa ko?? kung ang sagot mo ay oo swerte ka dahil for sure magiging masaya ang buhay mo… kung ang sagot mo naman ay hindi… ay patay kang bata… magiging hell lang buhay may asawa mo… hindi naman laro ang pag-aasawa mga tsong… ayon kung sigurado ka…tanungin mo naman ang aspetong financial… kung sa tingin mo ok na para sa pagkakaron ng anak na habang buhay na dalahin ay isang magandang senyales yan…. hahhaha.. at kung hindi pa ok…ay isang mabigat na pasanin yan na kailangan trabahuhin ng tamang sipag at determinasyon sa buhay… ayon so pakiramdam ko ako’y isa ng adviser ng mga taong nasa iba’t ibang kategorya ng buhay……

hahahha tinatamad na kong magsulat ng iba pa… ayon sa tingin ko ganon ang buhay…walang kamatayang katanungan na ang sagot tanging ikaw lamang ang makaka alam at ang sikreto sa tamang takbuhin ay ikaw lang din ang makakakita… at makakapagpatunay na sa bawat bahagdan ng buhay maraming bagay ang iyong natutunan….

Normal ang buhay sa isang taong di normal mangarap…. ang buhay ay puno ng kaweirduhan…. may mga bagay na may kanya kanyang timpla at lasa….pero sa bandang huli…. isa pa rin itong masarap na putahe na maari mong kainin… depende sa trip mo…. ang importante nakuha mo ang mga pangunahing pampalasa at alam mo kung paano ito ihalo base sa timpla ng iyong panlasa… hahahha…. nagugutom na ko… halata ba…

so life is like that….that’s the way we should live…..

–Magpaasa, Umaasa–

Friday, August 4th, 2006

Alin ang sa tingin mo ang mas tama ang magpaasa o ang umaasa..??? Magpaasa sa isang taong alam mo namang hindi mo kayang mahalin? o ang umaasa na balang araw mamahalin ka rin ng taong alam mong minamahal mo na… ano ba namang kadramahan nanaman yan Ley… tsk tsk ke aga aga eh.. bigla ko na lamang naisip hahahaha siguro kasi nga pang gabi nanaman ako… ano pa nga ba, abnormal nanaman ang lahat sa akin…

Maraming nangyayari sa kin nitong mga nagdaang araw, grabe maraming masaya, marami rin namang ang ayos lang, marami ring mga oras na nagugul ko sa pagiisip ng kung ano anong bagay…mga ka weirduhan….

Agosto na pala, isa nanamang hamon ng buhay ang naghihintay sa bawat isa sa tin… wala lang… inaantok na siguro ako… hahahhaha or baka naman hang over lang ng kung ano anong imahinasyon hahahhaha…

Ganyan talaga buhay, ang importante marunong kang sumabay sa bawat tugtugin nito pero wag mong sabayan ng puro puso lamang ang ginagamit….dahil baka bandang huli di mo na lang mamalayan wala ka na sa sarili mo…kung hindi ibang tao na ang nasasalamin mula sa yo.

hanggang dito na lamang wala akong masyadong masabi ngayon hahaha low bat na ko…