Archive for December, 2005

**Malapit ng matapos ang taon**

Monday, December 19th, 2005

Malapit nanamang matapos ang taong 2005, grabe hindi ko man lang ata namalayan ang taong ito, sobrang daming nangyari sa buhay ko…halos lahat ng magagandang ala-ala ay alaala na lamang talaga ng taong ito. Bagamat maraming kalungkutan im sure, dito rin naman sa taong ito natuto ako ng napakaraming bagay hindi lamang sa larangan ng edukasyon…uhm maganda ito…kung hindi sa magiging buhay ko sa darating pang taon….hay sana maging maganda ang pasok ng taong 2006 hindi lamang sa akin kung hindi sa halos lahat ng tao sa Pilipinas….hindi lang Pinas kung hindi buong mundo ang sabi nga "WORLD PEACE". Hindi natin alam kung anong darating na bukas sa ating mga buhay ang magagawa lang natin sa ngayon ay ang patuloy na magandang relasyon sa ating Panginoon na higit na nakakaalam ng lahat ng ninasa ng ating puso at higit na nakakaalam sa lahat ng bagay. OO nga’t marami tayong paghihirap pero lahat ng bagay makakayanan kung ibibigay natin sa Panginoon ang lahat ng ito. Kaya nga hindi ako natatakot sa darating na sakuna o panganib sa king buhay dahil alam kong siya ang nakakaalam kung anong best para sa ting lahat. Kaya ngayong pasko kung ano man ang kaya kong ibigay sa mga taong nangangailangan ay gagawin kong ipamahagi ang mga ito sapagkat dito ko lamang nasusuklian ang kabaitan at pagmamahalan ni Lord sa aking buhay. Maraming salamat po Lord sa magandang buhay, trabaho, kalusugan ng katawan, sa pamilyang masasaldalan, sa kaibigang handang umalalay at lalong higit sa lahat sa kahati ng ating mga puso na isang napakagandang regalo na walang makakatumbas sa lahat ng bagay.

Ngayong 2006 Panginoon kayo na po ang manguna sa aming mga buhay…Maraming maraming salamat po.

—Being workaholic—

Saturday, December 17th, 2005

Oh my…clock is ticking so fast… i don’t even have enough time to check my face in the mirror…wew..i wish i could do something about it…it’s already 3:40 am and yet here i am,,,still in the office….working for almost 12 hours a day….sigh**Uhm hindi sa sinasabi kong nahihirapan na ko or what…wala lang…ang hirap lang talagang kumita ng salapi..hehehe anyways ang tagal ko ng hindi nakagawa ng blog grabe, hindi ko na nga rin alam gagawin ko sa schedule ko eh…hay minsan tuloy naiisip ko "ano ba naman yan wala man lang akong social life…trabaho, bahay trabaho, bahay, trabaho" hay what a freak i am? reklamo ko ng reklamo eh un naman ang gusto ko di ba? maging busy and magkaron ng pagkakaperahan hahahhaha…tapos nagrereklamo eh noh…ang gulo ko noh…well ganyan talaga pag bangag na ung tipong wala pang tulog…magdamag ka ng dilat sa harapan ng lap top…aba makaturangan ba ito…oo naman hahahha..sige na nga kailangan ko ng tapusin toh at ako’y may gagawin pa…what’s new? "Kailangan pa bang imemrize yan."

Sanay na….masaya pa rin…lalo na pag pay day neyahahahha. ^_^